^

Bansa

Budget ng DFA haharangin ni Drilon

-
Hindi palulusutin ni Senate President Franklin Drilon ang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa susunod na taon hangga't hindi nagsasagawa ng reporma ang nasabing ahensiya sa pagpapatupad ng Dual Citizenship Act.

Ito ang tahasang sinabi ni Sen. Drilon matapos hindi maayos na maipatupad ang Dual Citizenship Act ng DFA na inaasahang magdadala ng karagdagang P2.5 bilyon sa pananalapi ng ating kaban.

Ayon kay Drilon, hanggang hindi binabago ng DFA ang kanilang posisyon ukol sa pagpapatupad ng Dual Citizenship Act ay hindi niya papayagang ipasa ng Senado ang budget nito na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon.

Aniya, hindi tama ang ginawang patakaran ng DFA ukol sa pagpapatupad ng Dual Citizenship Act kung saan ay nais nila na maging pre-requisites na magparehistro bilang absentee voters bago magparehistro sa Dual Citizenship.

Wika pa ni Drilon, aabot sa P2.5 bilyon ang maipapanik na pananalapi sa ating kaban mula sa processing fees sa Dual Citizenship subalit dahil sa ipinapatupad na prosesong ito ng DFA ay mawawala ito.

Idinagdag pa ng senador na nag-expire na ang pagpaparehistro para sa absentee voters nitong September 30 at hindi dapat ito ang gamiting batayan para makapagparehistro sa Dual Citizenship. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

CITIZENSHIP

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DRILON

DUAL

DUAL CITIZENSHIP

DUAL CITIZENSHIP ACT

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with