Tita Cory lumusob sa Kongreso
October 28, 2003 | 12:00am
Personal na nagtungo kahapon sa House of Representatives si dating Pangulong Cory Aquino upang suportahan si Supreme Court Chief Justice Hilario Davide at magbabala na siguradong magkakaroon ng Consitutional crisis kung hindi tatapusin sa maayos na paraan ang impeachment complaint.
"I want to voice my concern about a potential Constitutional crisis that may arise from this complaint, should this issue not be settled with dispatch and to the satisfaction of the parties concerned," ani Aquino.
Sinabi pa ni Aquino na hindi pa nakakabangon ang ekonomiya ng bansa sa naganap na Oakwood mutiny at lalo lamang lulubha ang problema kung magkakaroon ng isa pang krisis.
Nanawagan din ang dating presidente sa lahat ng mga mambabatas na pag-isipang mabuti ang nasabing reklamo laban kay Davide.
Kabilang sa mga nagtungo sa Kongreso upang ipakita ang suporta kay Davide sina Raul Roco ng partidong Aksiyon Demokratiko, Renato de Villa ng Promdi, Philippine Bar Association, Edsa Shrine Community, Couples for Christ at People Power 2 Movement. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended