FPJ di siguradong standard bearer

Nilinaw kahapon ni Sen. Edgardo Angara na kahit magdeklara si action king Fernando Poe Jr. ng kanyang kandidatura sa araw na ito ay hindi awtomatikong magiging standard bearer siya ng United Opposition.

Sinabi ni Sen. Angara, pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), kung magpahayag man ng kanyang kagustuhan na sumali sa 2004 presidential race si FPJ ay dadaan siya sa selection process ng United Opposition.

Magkakaroon ng pagtitipon ang mga supporter ni FPJ sa araw na ito sa Cuneta Astrodome, Pasay city kung saan ay inaasahan nilang magdedeklara si FPJ kung tutuloy na ito sa pagtakbo bilang pangulo.

Ayon kay Angara, maliban kay FPJ ay kabilang din sa sasailalim sa selection process upang maging standard bearer sina Senators Panfilo Lacson, Loren Legarda at Noli de Castro. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments