Ayon kay Soriquez, ito na lamang ang kanyang legal na hakbang sakaling matanggap na niya ang kopya ng suspension order mula sa 5th Division ng Sandiganbayan.
Subalit sakaling balewalain umano ng Sandiganbayan ang kanyang motion ay iaakyat ito ni Soriquez sa Korte Suprema upang mapawalang saysay ang suspension laban sa kanya.
Bukod kay Soriquez, sinuspinde din ng Sandiganbayan ang apat pang matataas na opisyal ng DPWH na sina Rey David, Ulysis Manago, Juan Gonzales at Gil Rivera na pawang mga supervising engineer ng megadike project.
Nag-ugat ang nasabing kaso sa umanoy faulty construction ng bahagi ng P2.7 billion anti-lahar megadike sa Pasig-Potrero river sa Pampanga, subalit ang 67 metro na bahagi ng megadike ay bumagsak noong Agosto 1996 dahil sa malakas na buhos ng lahar.
Si Soriquez ang siyang director ng Mt. Pinatubo Rehabilitaton project bago ito itinalagang DPWH assistant secretary noong Marso 2001 kung kaya inimbestigahan ito. (Ulat ni Gemma Amargo)