GMA tagilid sa Piatco - Ping
October 16, 2003 | 12:00am
Mas lalong nalagay sa peligrosong sitwasyon ang administrasyon ni Pangulong Arroyo matapos mabunyag ang tangkang pangingikil ng mga personal na abogado nito sa German Fraport AG na partner ng Philippine International AirTerminal Co. (Piatco) sa pagtatayo ng NAIA 3.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, nakakuha siya ng kopya ng mga dokumentong magpapatunay na limang miyembro ng Gabinete ni Arroyo ay alam na nagdemanda na ang German firm sa International Center for Settlement of Investment Disputes sa Washington DC noon pang September 23, subalit tinangka umanong ipitin ng Palasyo ang istorya upang hindi pumutok sa media.
Sinabi pa ni Lacson na ang naturang mga opisyal ay binigyan ng kopya ng liham ni Ucheoro O. Onwuanaegbi, senior counsel ng ICSID, ukol sa isinampang kaso pero hindi isinapubliko ng Malacañang dahilan sa negatibong epekto nito sa foreign at local investors.
Sa pagkakabunyag ng eskandalo, sinabi ni Lacson na napatunayan ng publiko na ang kanyang inihayag na privelege speech sa Senado kamakailan ay may matibay na basehan.
Sa liham sa ICSD, sinabi ng Fraport na si dating presidential adviser on strategic projects Gloria Tan-Climaco ang pilit na nagrekomenda sa kanilang kompanya para kunin ang serbisyo ng abogado ni Arroyo na si Pancho Villaraza kapalit ng milyun-milyong dolyar.
Isinangkot din ng German firm si Presidential Legal Counsel chief Avelino "Nong" Cruz sa tangkang pananakot na magkakaroon ng problemang legal kapag hindi naalis sa partnership ang pamilya Cheng na may-ari ng Piatco.
Sinabi pa sa liham ng Fraport na hindi pabubuksan ng gobyerno ang NAIA 3 hanggat nananatiling kasosyo ang Piatco sa itinayong world-class airport na may kakayahang magbiyahe ng 13 milyong pasahero taun-taon.
Matapos na hindi pumayag ang German company sa mga kondisyon ni Climaco, ilang araw lamang ay ibinasura na ng Korte Suprema ang kontratang hawak ng Piatco sa kabila ng paggasta nito ng mahigit US$500 milyon.
Sinabi ni Lacson, ang panibagong anomalyang naisiwalat ay lalong magpapayanig sa dati nang marupok na liderato ni Pangulong Arroyo.
Sinabi naman ng Pangulo na pabor siya sa gagawing pagsisiyasat ng World Bank at handa rin siyang paimbestigahan ang umanoy pagkakasangkot dito nina Climaco at Cruz. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended