^

Bansa

Ping binatikos ng FILGOOD

-
Naniniwala ang samahan ng mga abogado na masamang ehemplo ang ipinakikita ni Senador Panfilo Lacson sa mata ng mga kabataan dahil sa patuloy na pagsasabi na hindi dapat siyang kamuhian at ikondena dahil sa umano’y ginawang pamamaslang sa mga kasapi ng Kuratong Baleleng Gang (KBG).

Ayon kay Atty. Ricardo Abcede, pambansang pinuno at tagapagsalita ng Filipino Lawyers for Good Governance (FILGOOD), tinutuligsa ng grupo ang ipinahayag ni Lacson na dapat silang sabitan ng medalya at papurihan dahil sa ginawa nila umanong pagligpit sa 11 kasapi ng kilabot na grupo.

Ang pahayag ni Lacson ay binasa ni Cavite Rep. Gilbert Remulla sa harap ng mga miyembro ng Financial Executives of the Phils. matapos na magtago umano ang Senador dahil sa desisyon ng Supreme Court na muling litisin ang ginawang karumal-dumal na pamamaslang sa mga kasapi ng KBG.

Sinabi pa ni Abcede na nakakatakot umano ang berdugong kaisipan ng Senador, lalo pa’t nag-deklara na ito bilang kandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Aniya, mukhang ang alam na kahulugan ni Lacson sa katagang ‘due process’ o bigyan ng karampatang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili sa hukuman ay madaliang pagkitil sa buhay ng mga kriminal.

Pinaalalahanan din nito ang kampo ni Lacson na sila ay may mga anak din at hindi dapat mamana pa ng bagong henerasyon ang kulturang karahasan sa lipunan. (Ulat ni Rudy Andal)

CAVITE REP

FILIPINO LAWYERS

FINANCIAL EXECUTIVES OF THE PHILS

GILBERT REMULLA

GOOD GOVERNANCE

KURATONG BALELENG GANG

LACSON

RICARDO ABCEDE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with