^

Bansa

Palasyo gagamitin ang SC para palitan si Yadao - Ping

-
Muling pagaganahin umano ng Malacañang ang impluwensiya nito upang panghimasukan ng Korte Suprema ang kaso ng Kuratong Baleleng sakaling mabigo ang Quezon City Regional Trial Court judge na magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado ng naturang kaso.

Ito ang panibagong pagbubunyag na ginawa ni Senator Panfilo Lacson kaugnay sa natanggap niyang impormasyon sa magiging paggalaw umano ng "legal team" ng Task Force 71 na binuo ng Palasyo na ang pangunahing layunin ay maisadlak siya sa piitan.

Ayon kay Sen. Lacson, nalaman niya sa kanyang "palace mole" na nabuo ang plano para lumapit muli ang government at private prosecutors sa pangunguna nina Chief State Prosecutor Jovencito Zuño at Atty. Arno Sanidad sa Supreme Court at hilingin na alisin sa sala ni Judge Ma. Theresa Yadao ang paghawak sa kaso. Ang pagpupulong umano ng mga kasapi ng Task Force 71 ay naganap noong nakaraang Biyernes sa 2nd floor ng New Executive building sa Malacañang.

Nababahala umano ang Palasyo sa posibilidad na walang ipalabas na arrest warrant si Judge Yadao laban sa senador at iba pang akusado sa Kuratong Baleleng case lalo’t may iba’t ibang mosyon pang nakabinbin na inihain ng defense lawyers sa sala ng Branch 81.

Subalit naniniwala si Lacson na si Judge Yadao ay "person of independence and integrity" at hindi magpapasaklaw mula sa impluwensiya ng sinuman sa pagbuo ng kanyang desisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

ARNO SANIDAD

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

JUDGE MA

JUDGE YADAO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

MALACA

NEW EXECUTIVE

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with