^

Bansa

Cardenas laya na

-
Pansamantalang pinalaya ng Makati Regional Trial Court si Ramon Cardenas, ang Executive Secretary ni dating Pangulong Estrada, matapos itong magpiyansa dahil sa kasong rebelyon na isinampa dito sa pagkakaugnay nito sa pag-aaklas ng Magdalo group sa Oakwood hotel noong Hulyo 27.

Sa 15-pahinang desisyon ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel ng Branch 148, kahit non-bailable ang kaso ay pinayagan nitong makapagpiyansa ng halagang P350,000 si Cardenas dahil na rin sa mga ebidensiyang inihain dito na walang direktang partisipasyon ang akusado sa naturang kudeta kaya pinayagan ito ng hukuman na maglagak ng piyansa.

Si Cardenas ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos salakayin ang bahay nito sa Dasmariñas Village, Makati City noong Hulyo 29 at makakuha ng mga baril at dokumento na may kinalaman sa kudeta. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EXECUTIVE SECRETARY

HULYO

JUDGE OSCAR PIMENTEL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ESTRADA

RAMON CARDENAS

SI CARDENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with