Hi-tech x-ray machine vs kontrabando
October 10, 2003 | 12:00am
Inialok ng A.T. Intergrouppe Inc. sa Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng built-operate-transfer scheme ang kanilang modernong teknolohiya para matunton ang mga kontrabando.
Sinabi ni Mr. Albert Tan, president ng A.T. Intergrouppe at sole representative ng American Science and Engineering Inc. kay BOC Commissioner Antonio Bernardo na ang kanilang 5 truck na mobilesearch na may kumpletong x-ray system ay kayang malaman kung may kontrabandong karga ang isang cargo kahit nakahimpil ito.
Sa ginawang demonstration ng A.T. Intergrouppe sa BOC, kaya ng kanilang mobilesearch system sa pamamagitan ng Z backscatter na may transmission x-ray machine na inspeksiyunin ang kargamento sa pinakamabilis na pamamaraan kung saan ay 3 crew lamang ang mangangasiwa nito.
Wika naman ni Mr. Robert Lockett, AS & E vice president for Asia, ang kanilang mobilesearch technology ay ginagamit sa paglaban din sa krimen sa ibang bansa tulad ng drug smuggling, illegal immigration o human trafficking, tobacco at alcohol smuggling, pagdetect sa chop-chop vehicle at pagpupuslit ng mga armas.
Ipinagmamalaki pa ng AS & E na ginagamit sa mga ports, military bases, government at commercial facilities at airports ang kanilang produkto upang labanan ang cargo crime at para din sa seguridad ng ibat ibang bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended