Ito ang pangambang inihayag kahapon ni P/Chief Supt. Alfredo de Vera, director ng PNP-Headquarters Support matapos na wala na halos makontak sa mga ito nang umpisahan na nilang mag-account sa mga pulis na sangkot sa kaso bunga ng desisyon ng SC.
Sinabi ni de Vera na may 10 pulis na nanatiling nasa serbisyo ay kabilang sa 33 pangunahing akusado ay hindi pa umano nagsisipag-report habang ang iba pa ay nasa floating status.
Ang pinakahuling account sa nasabing mga pulis ay nitong Oktubre 6. Apat lamang sa mga pangunahing akusado ang nai-account nila.
Nakatakda silang padalhan ng notice at kapag hindi sumagot sa ikatlong notice ay ituturing na silang AWOL saka sisimulan ang dismissal proceedings. (Ulat ni Joy Cantos)