^

Bansa

17 pulis sa Kuratong nagtatago na ?

-
Nagsimula na umanong magsipagtago ang 17 sa mga pulis kabilang ang ilang opisyal sa pangunguna ni P/Chief Supt. Francisco Zubia Jr. kaugnay ng ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema na buksang muli ang pagdinig sa kontrobersiyal na kaso ng Kuratong Baleleng rubout case.

Ito ang pangambang inihayag kahapon ni P/Chief Supt. Alfredo de Vera, director ng PNP-Headquarters Support matapos na wala na halos makontak sa mga ito nang umpisahan na nilang mag-account sa mga pulis na sangkot sa kaso bunga ng desisyon ng SC.

Sinabi ni de Vera na may 10 pulis na nanatiling nasa serbisyo ay kabilang sa 33 pangunahing akusado ay hindi pa umano nagsisipag-report habang ang iba pa ay nasa floating status.

Ang pinakahuling account sa nasabing mga pulis ay nitong Oktubre 6. Apat lamang sa mga pangunahing akusado ang nai-account nila.

Nakatakda silang padalhan ng notice at kapag hindi sumagot sa ikatlong notice ay ituturing na silang AWOL saka sisimulan ang dismissal proceedings. (Ulat ni Joy Cantos)

ALFREDO

APAT

CHIEF SUPT

FRANCISCO ZUBIA JR.

HEADQUARTERS SUPPORT

JOY CANTOS

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

NAGSIMULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with