Bagaman paupong bumagsak ang Pangulo, hindi naman ito masyadong nasaktan at mabilis na nakatayo sa tulong ng kanyang mga aide.
Kumaway pa ang Pangulo sa mga tao sa kabila ng naganap na insidente, patunay na hindi niya iniinda ang mumunting mga aksidente na kaakibat ng kanyang pagtupad sa tungkulin lalo na sa pagpapaabot ng serbisyo sa mamamayan.
Pero ayon sa ilang mapanuring sektor, ang nangyari sa Pangulo ay ikalawang babala na hindi na ito dapat tumakbo sa darating na presidential elections sa 2004.
Una ay ang pagkakaroon ng kauna-unahang malawakang blackout sa Italy habang nagko-courtesy call ang Pangulo kay Pope John Paul II.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Vatican at pakikipagkita sa Santo Papa ang ipinalalagay ng marami na paghingi ng Pangulo ng gabay kung dapat niyang baguhin o hindi ang deklarasyon niya na hindi na siya tatakbo. (Ulat ni Lilia Tolentino)