Pagbiyahe ni GMA sasamantalahin ng mga kalaban ng gobyerno
September 23, 2003 | 12:00am
Nagdeklara kahapon ng red alert ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng natanggap na impormasyon na maglulunsad ng malawakang rally ang mga anti-government groups habang bumibiyahe si Pangulong Arroyo sa ibang bansa.
Sinabi ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Daniel Lucero na ipinatawag sa headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo ang mga sundalo na bumubuo sa Task Force Libra at Anti-Crime Task Force ng AFP, dalawang anti-coup at anti-terrorist units ng militar para magkaloob ng seguridad sa pakikipagtulungan sa PNP.
Nabatid na si Pangulong Arroyo ay nakatakdang umalis sa darating na Biyernes at babalik sa bansa sa Setyembre 30 kaugnay ng apat na araw na pagbisita nito sa New York City, USA at Europe.
Gayunman, tumanggi naman si Lucero na tukuyin kung anong grupo ang nagpaplanong magsagawa ng malawakang pagkilos patungo sa Edsa shrine at iba pang karatig nitong gusali.
Magugunita na nakatanggap ng ulat ang militar na sasakupin ng mga puwersang kalaban ng administrasyon ang mga gusali ng Asian Development Bank (ADB), Meralco at Edsa shrine sa Ortigas kaugnay ng plano ng mga itong pabagsakin ang gobyerno subalit nabulilyaso ang nasabing masamang tangka matapos na matunugan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na may 500 tropa ng sundalo mula sa Task Force Libra at ACTAF ang ngayoy naka-standby sa Camp Aguinaldo.
Samantala ang pagdedeklara ng red alert ng militar ay nataon rin sa isinagawang pagbisita ni Senador Gregorio Honasan sa mga Oakwood mutineers na itinakda sa araw na ito.
Nabatid na sa liham na ipinadala ni Honasan kay AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya ay hiniling nitong madalaw ang mga mutineer ng Magdalo group.
"The chief of staff has yet to decide on whether Sen. Honasan will be allowed to visit the soldiers. I think the matter is also referred to (Vice Admiral Ernesto de Leon)," paliwanag ni Lucero. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended