Ito ang sinabi ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina kahapon.
Ayon kay Lina, plano ng Bureau of Customs na magkaroon ng pitong nabanggit na x-ray machine at maaaring makigamit na lamang dito ang mga operatiba ng mga ahensiya na nakatalaga laban sa mga sindikato ng droga sa bansa, gaya ng DILG.
Tinatayang nagkakahalaga ng mula US$1 million hanggang US$3 million ang isang higanteng x-ray machine o katumbas ng US$21 million sa pitong machine.
Naniniwala si Lina na lalong magiging epektibo ang kanilang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot kung may mga katulad ng nabanggit na gamit ang mga ahensiya sa anti-prohibited drugs.
"Kung magkakaroon tayo ng ganoong uri ng gamit, mahihirapan ang mga sindikato na maipuslit ang kanilang kontrabando, " sabi ni Lina.
Kahit anya nakapaloob sa makapal na bagay ang itinatagong kontrabando, tiyak malalaman at matutukoy kung anong uri ito.
Kaya lamang anya, napakalaking halaga ang kailangan para magkaroon ng katulad na sophisticated high-calibrate x-ray machine. (Ulat ni Cesar Cezar)