Sinabi ni Rep. Marcos na maraming demonstrador ang masasaktan sa sandaling gamitin ng PNP ang rubber bullet sa kanilang dispersal operations.
"Sundalong Israel lang ang alam kong gumagamit ng rubber bullet. Matindi pag tumama ang rubber bullet, bagsak agad ang Palestino kapag tinatamaan," sabi ni Marcos.
Batay anya sa probisyon ng PNP operational procedures, maliban sa rubber bullet, ang tear gas, smoke grenade, water cannon at truncheon ay maaaring gamitin sa pagbuwag ng isang demonstrasyon. Ang mga ito ang kinikilala ng PNP bilang halimbawa ng less lethal weapon at ammunition. (Ulat ni Malou Rongalerios)