Pinuri ng business sector at maging ni Sen. Rodolfo Biazon si Trade Secretary Mar Roxas dahil sa paggigiit kasama ang G-21 nations upang ipaglaban ang global trade related issues sa Cancun conference.
"We won in Cancun, we are firm and we were able to show our counterparts that developing nations like ours play big roles in crafting global trading rules," wika ni Sec. Roxas.
Sinabi pa ng DTI chief, itinuturing ng mga developing countries na tagumpay ang kinalabasan ng Cancun conference matapos hindi maigiit ng mga rich countries ang kanilang gustong maging patakaran.
"However, we are open and willing to have bilateral trade agreements with other countries as long as they are beneficial to our country and trade is fair," wika pa ni Roxas.
Ipinaliwanag naman ni Sen. Rodolfo Biazon, dapat lamang papurihan ang DTI chief dahil sa ginawa nitong pakikipaglaban sa WTO conference para sa kapakanan ng ating bansa. Aniya, dapat pag-aralan na kung kinakailangan na tayong umalis bilang miyembro sa WTO dahil sa hindi patas na ipinapatupad na trade liberalization. (Ulat ni Rudy Andal)