^

Bansa

Batas sa child labor nakaambang ipasa

-
Isa sa bawat anim na batang Pinoy ay napipilitan nang magtrabaho upang mabuhay ang kanilang pamilya.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) na isa sa pinagbasehan ng panukalang batas na tinatalakay ngayon ng bicameral conference committee na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga batang trabahador.

Base pa sa statistics, 4 milyon sa 25 milyong batang Pinoy ang itinuturing nang "economically active" kung saan ang pinakabata ay lima hanggang pitong taong gulang.

Ayon kay CIBAC Party List Rep. Kim Bernardo-Lokin, 1.1 milyong bata sa kasalukuyan ang nahaharap sa physical hazards dahil sa kanilang trabaho at kalimitang dinadapuan ng iba’t ibang sakit dahil sa maagang paghahanap-buhay.

Panahon na aniya upang maipasa ang Magna Carta for Working Child upang mabigyan ng proteksiyon ang mga batang sumasabak sa mabibigat na trabaho sa kabila ng kanilang murang edad.

Sa sandaling maipasa na ang nasabing panukalang batas, ipagbabawal na ang pagtatrabaho ng mga bata kung saan malalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Ikokonsidera na rin ang moral na maaaring matutunan ng bata sa kanilang trabaho na posibleng makaapekto sa kanilang normal na paglaki.

Bagaman at sigurado aniyang hindi masasawata ng gobyerno ang child labor at dapat namang magkaroon sila ng proteksiyon sa pamamagitan ng pagpasa ng isang batas.

Dapat din aniyang umiisip ang gobyerno ng paraan upang masugpo ang kahirapan na nagiging ugat sa pagtatrabaho ng maaga ng mga bata. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BAGAMAN

DAPAT

KIM BERNARDO-LOKIN

MAGNA CARTA

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PARTY LIST REP

PINOY

WORKING CHILD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with