^

Bansa

Originals pinasusumite kay Lacson

-
Hinamon kahapon ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang kanyang kasamahan sa oposisyon na si Sen. Panfilo Lacson na ilabas nito ang mga orihinal na dokumento kaysa mga photocopies lamang ang iharap nito kaugnay ng kanyang akusasyong si First Gentleman Mike Arroyo ay si Jose Pidal.

Ginawa ni Sen. Pimentel ang panawagan kay Sen. Lacson matapos umapela ang mga kongresista sa senado na huwag nitong upuan ang nakabinbin na mga national at local bills dahil sa kanilang pagtutok sa Pidal.

Hiniling ni House Deputy Speaker Raul Gonzalez sa Senado na suspindihin na lamang ang ginagawang imbestigasyon nito sa Pidal scandal upang mapahupa ang tumitinding usaping pampulitika.

Inihayag naman ni Atty. Jess Santos na pito na sa mga bangkong kinaladkad ni Lacson sa iskandalo ang nagbigay na ng sertipikasyong wala silang hawak na deposito ni Pidal.

Ayon pa kay Santos, sinabi ni Lacson na dalawang remittances na P4.4 million mula sa sangay sa Hong Kong ng International Commercial Bank of China ang inilipat sa Pidal account mula sa account number 56102000494 ng isang Ricardo Medrano.

Subalit nagpalabas na rin ng mga anunsiyo ang ICBC na nagsasaad na hindi kailanman nagkaroon ng account si Medrano sa kanilang sangay sa HK.

Iginiit pa ni Atty. Santos na gumagawa lamang umano ng eksena si Lacson dahil sa lumitaw na mababa ito sa mga presidential surveys. (Ulat ni Rudy Andal)

AQUILINO PIMENTEL JR.

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HONG KONG

HOUSE DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALEZ

INTERNATIONAL COMMERCIAL BANK OF CHINA

JESS SANTOS

JOSE PIDAL

LACSON

PIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with