GMA 'pag nanalo sa 2004, hanggang 2007 lang dapat manungkulan

Iminungkahi kahapon kay Pangulong Arroyo na lumagda ito sa isang covenant sa taumbayan na dapat magbitiw ito bilang Pangulo sa 2007 sakaling manalo sa 2004 elections.

Sinabi ng isang opisyal ng Lakas-Christian Muslim Democrats, ikinukunsidera ng partido ang "political options" na ito upang mapahupa ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng Arroyo administration.

"If she (GMA) wins the next year’s election, Pres. Arroyo should sign a covenant with the people that she will step down on 2007 and allow the elected vice president to take-over the presidency for the rest of her term ending in 2010 and if she resign or step down in 2007 she could have completed the full tenure of the presidency - six years-including the reminder of former Pres. Estrada’s term," wika pa ng source sa Lakas.

Nakatakdang magpulong ang liderato ng Lakas ngayon upang talakayin ang usapin ng partido at paghahanda sa 2004.

Kabilang sa matutunog na kandidato naman para maging bise presidente ay sina Senators Noli de Castro, Loren Legarda, Robert Barbers, Juan Flavier at VP Teofisto Guingona.

Kumbinsido naman si Sen. Joker Arroyo na tatakbo pa si GMA sa 2004 elections subalit ang paghahayag nito ay ipinaubaya na niya sa Pangulo kung kailan nito nais ideklara ang kanyang pagtakbo. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments