^

Bansa

Enrile umalma sa pagbasura ng DOJ sa libel vs Inquirer

-
Bunsod ng ginawang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa libel case kontra pahayagang The Daily Inquirer ay umalma si dating Senator Juan Ponce Enrile sa pamamagitan ng paghahain nito ng petition for certiorari sa Court of Appeals. Hangarin ni Enrile na repasuhin ng CA ang kasong libelo na una ng ibinasura ng DOJ.

Batay sa inihaing petisyon sa Appellate Court ng dating senador ay napatunayan ng Makati City Prosecutors Office na may matibay na ebidensya o ‘prima facie’ evidence upang maisulong ang kaso subalit binaligtad ito sa resolusyong ipinalabas ni dating Justice Sec. Hernando Perez.

Ang Inquirer ay sinabitan ng kasong libelo bunsod na rin ng malisyosong paggamit ng mga kataga bilang banner story ng "No Settlements to Coco Levy Funds."

Sa nasabing isyu ng Inquirer kabilang si Enrile, Zambonga City Mayor Ma. Clara Lobregat, Danding Cojuangco at ACCRA lawyers sa mga nakinabang sa mga nakaw umanong pera mula sa coco levy. (Ulat ni Ludy Bermudo)

ANG INQUIRER

APPELLATE COURT

CLARA LOBREGAT

COCO LEVY FUNDS

COURT OF APPEALS

DAILY INQUIRER

DANDING COJUANGCO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENRILE

HERNANDO PEREZ

JUSTICE SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with