^

Bansa

Comelec pinagpapaliwanag

-
Kinuwestyon ng ilang mambabatas ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa diumano’y pagbabawal sa mga squatters na makapagrehitro bilang paghahanda sa darating na eleksyon sa 2004.

Pinagpapaliwanag nina Reps. Mario Aguja (Akbayan), Renato Magtubo (Partido ng Manggagawa) at JV Bautista (Sanlakas) ang Comelec matapos na makatanggap sila ng reklamo mula sa grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod at Koalisyon Kontra Demolisyon na pinagbawalang makapagparehistro sa mga taga-squatters.

Sa naturang reklamo, ipinagbawal umano ng Comelec na nakapagparehistro ang mga squatters dahil magreresulta umano ito sa ‘legitimazation’ ng kanilang legal na pag-okupa sa mga pribado at pampublikong lupain.

Papayagan lamang umano ng Comelec batay sa bagong ruling nito na makapagparehistro ang mga squatters kung mayroong pagkunsinti ang mga may-ari ng lupang kanilang tinitirikan ng bahay.

Iginiit ni Bautista na labag sa ‘constitutional rights’ ng mga maralita ang anti-poor registration policy na ipinatutupad ng Comelec.

Niliwanag pa na sa ilalim ng Absentee Voting law, binibigyan ng karapatang makapagparehistro at bumoto ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa kaya hindi ito dapat ipagkait sa mga mahihirap na mismong naninirahan sa ating bansa.

Sinabi naman ng Malacañang na kailangang magpalabas ng malinaw na panuntunan ang Comelec kung hindi nga ba pahihintulutang makaboto ang mga squatter sa darating na eleksyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, sa panuntunang ipalalabas ng Comelec, kailangang magbigay ng maliwanag na dahilan kung bakit hindi makakasali sa halalan ang mga squatter gayong dati naman ay puwede silang makaboto sa barangay na kanilang kinabibilangan. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)

ABSENTEE VOTING

BAUTISTA

COMELEC

KOALISYON KONTRA DEMOLISYON

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

MARALITANG LUNGSOD

MARIO AGUJA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with