Ang paghingi ng sorry ay personal na ginawa ng Pangulo kay Acsa nang ipatawag niya ito sa Malacañang kahapon.
Ang paumanhin anya ay bunga ng epekto ng karanasang dinanas ni Acsa na sa halip pasalamatan sa pagbibigay impormasyon sa tax scam, itinuro ito bilang isa sa mga suspek sa kaso.
Bunsod ng hinanakit at kabiglaanan sa pagkakadawit ng pangalan sa anomalya, nalaglag ang dinadalang sanggol sa sinapupunan ni Acsa na dapat sanay pantatlo nilang anak ng kanyang asawa.
Ikinalugod naman ni Acsa ang paghingi ng paumanhin ng Pangulo at naiyak pa ito ng yakapin siya ng Presidente.
Wala na rin umanong dapat alalahanin pa si NBI Director Reynaldo Wycoco at nauunawaan niyang gumaganap lang ito ng tungkulin.
Hindi rin naman siya nagalit kaya hindi niya kailangang magpatawad. (Ulat ni Lilia Tolentino)