Si Atty. Jesus Sison ang kumatawan sa First Gentleman sa pagsasampa ng kaso. Hinamon ni FG Arroyo na magkita na lamang sila ni Lacson sa korte kung saan ito ang "proper forum" kung saan dapat patunayan ang kanyang mga akusasyon na umanoy walang basehan at puro kasinungalingan lamang.
Kabilang sa sasagutin ni Mr. Arroyo ang umanoy algeasyong magkalaguyo sila ng kanyang sekretarya na si Vicky Toh at ang tungkol sa Jose Pidal account. Maghaharap din ng bukod na kasong civil sa korte ang abogado ni Arroyo. (Ulat nina Gemma Amargo/Ely Saludar)