^

Bansa

'Hindi ako nawawala' - LTA employee

-
Kinondena kahapon ng mga empleyado ni First Gentleman Mike Arroyo si Senador Panfilo Lacson sa naging pahayag nito na marami pa siyang hawak na testigo na kasalukuyang empleyado pa rin ni Mr. Arroyo.

Ayon kay Rommel Javier, secretary ni Ginoong Arroyo, walang katotohanan ang pahayag ni Lacson na siya ay nawawala matapos umanong mabunyag na siya ang isa pa sa mga testigo ng senador.

"Hindi po ako nawawala. Dito pa rin po ako nagtatrabaho sa LTA bilang secretary ni Ginoong Arroyo," ani Javier.

Pinasinungalingan din ni Javier na nagbibigay siya kay Lacson ng mga dokumento dahil hindi pa niya ito nakikilala ng personal.

"Hindi ko pa po nakikita o nakikilala si Senador Lacson ng personal," dagdag ni Javier.

Bukod kay Javier, kinondena rin ng ibang empleyado ng LTA ang pahayag ni Lito Banayo, spokesman ni Sen. Lacson, na pinilit sila ni Mr. Arroyo na magpahayag ng suporta para dito.

"Hindi po kami pinilit o tinakot. Kusang loob po kaming nagpapahayag na ang mga akusasyon laban kay Ginoong Arroyo ay pawang kasinungalingan," ani Javier.

Labis din nilang ikinatuwa ang balitang si Eugenio "Udong" Mahusay ay nasa pangangalaga ng kanyang pamilya.

"Kilala namin si Udong. Alam namin na napilitan lamang siyang magsabi ng mga bagay laban kay Ginoong Arroyo. Sana ay maayos na lahat ito at sabihin ni Udong ang buong katotohanan," sabi pa ni Javier kasama ang iba pang empleyado ng LTA.

ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINOONG ARROYO

JAVIER

LACSON

LITO BANAYO

MR. ARROYO

ROMMEL JAVIER

UDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with