Terrorist act sa bansa lumakas - BI
August 18, 2003 | 12:00am
Inamin kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na muling lalakas ang terrorist act sa bansa hanggat hindi pa nahuhuli ng mga awtoridad ang puganteng si Indonesian terrorist Fathur Rohman al-Ghozi.
Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo, patuloy na nakikipagtulungan ang kanyang tanggapan sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, mas malakas ang posibilidad na muling maghasik ng terorismo ang mga kasamahan ni al-Ghozi dahil muling makakalikom ito ng pondo para sa kanilang operasyon.
Sinabi pa ng Commissioner na una ng humina ang puwersa ng mga local terrorist sa bansa ng madakip at makulong si al-Ghozi dahil nawalan ng pondo ang mga ito.
Si al-Ghozi ang sinasabing financier ng naganap na pambobomba sa Light Rail Transit noong Disyembre 2001 at ang kasamang si Mukis Yunos ang siyang nagkabit ng bomba sa loob ng LRT. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended