^

Bansa

Interview kay Honasan, pinuna ng Malacañang

-
Naghayag ng pangamba ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps na maaring mamiligro ang kalayaan ng pamamahayag at sistema ng kanilang pag-uulat matapos na ihayag ni Pangulong Arroyo na mayroon siyang mga ‘assets’ na nagmamanman sa media.

Nabatid na sinita ng Pangulo si Tina Panganiban-Perez ng GMA-7 nang bumisita ang Presidente sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sinabihan ng Pangulo si Perez sa harap ng may 100 katao kaugnay ng ginawa nitong pakikipanayam kay Senador Gringo Honasan na isinahimpapawid sa palatuntunang "Saksi" gayong mayroon pang state of rebellion at ito raw ay "abetting rebellion."

"My assets told me they saw you (Tina) with Gringo during the state of rebellion. Did you interview Dagudag? anang Pangulo sa nai-tape na paninita nito sa reporter.

Ipinaliwanag ni Perez na ang interview ay isinahimpapawid noong Agosto 12, isang araw matapos alisin ang pagpapatupad ng state of rebellion.

Agad namang nilinaw ni Deputy Presidential Spokesperson Ricardo Saludo na walang intensiyon ang Pangulo na busalan ang media.

"The government is not engaged in spying on the media or in the harassment of reporters in the conduct of their legitimate work. Tina Panganiban-Perez was encountered by chance by intelligence assets assigned to determine the whereaboiuts of Senator Honasan, who is suspected of being involved in the Oakwood incident," pahayag ni Saludo sa kanyang press statement.

Wala anyang planong takutin o kasuhan si Perez.

Sinabi naman ni Press Secretary Milton Alingod na kung sinita man ng Presidente ang media reporter, wala naman siyang intensiyong masama kundi para siyang isang ina na nangangaral sa isang anak. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON RICARDO SALUDO

LILIA TOLENTINO

ORIENTAL MINDORO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PEREZ

PRESS CORPS

PRESS SECRETARY MILTON ALINGOD

TINA PANGANIBAN-PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with