^

Bansa

Malacañang walang magagawa sa oil price hike

-
Walang pigil na magagawa ang Malacañang sa pagtaas ng presyo ng gasolina kahit may ipinatutupad na "state of rebellion," ayon kay Trade and Industry Secretary Mar Roxas.

Sinabi ni Roxas na ang awtomatikong price control na saklaw ng idineklarang state of rebellion ay ang halaga ng basic commodities tulad ng bigas, asukal, gatas, karne at iba pa na sakop ng Price Consumers Act.

Ang gasolina at iba pang produktong petrolyo bagaman anya basic needs ay hindi saklaw ng nabanggit na batas at ang presyo nito ay sakop ng Oil Deregulation Law.

Wika ni Roxas, hindi saklaw ng DTI ang pamantayan sa presyo ng langis kundi ang Energy Regulatory Board.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Roxas kasunod ng naging desisyon ng tatlong malalaking kumpanya ng langis na kinabibilangan ng Caltex, Shell at Petron na magtaas na rin ng presyo ng gasolina at diesel sa bawat litro nito matapos maunang magtaas ang Eastern,Total at Flying V.

Ayon kay Roxas, puspusang nagsasagawa ng monitoring ang DTI sa presyo ng pangunahing bilihin at ang kanyang obserbasyon ay nananatili namang matatag ang presyo ng mga ito sa kabila ng naganap na Oakwood mutiny. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

CALTEX

ENERGY REGULATORY BOARD

FLYING V

LILIA TOLENTINO

MALACA

OIL DEREGULATION LAW

PRICE CONSUMERS ACT

ROXAS

TRADE AND INDUSTRY SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with