^

Bansa

Troop movement ng Guardians namonitor

-
Kasunod ng balitang nag-"underground" na si Senator Gringo Honasan, lalo umanong nag-apoy sa galit ang mga supporters at kasamahan nito sa Guardians kung saan isang report ang nagsabi na may namataang "troop movement" na kumikilos ngayon mula Southern Luzon at Northern Luzon, lulan ng 21 bus patungong Metro Manila at hinihinalang nagbabalak ng panibagong kudeta laban sa administrasyon.

Ang nasabing "troop movement" ay kinumpirma kahapon ng isang dating mataas na opisyal ng PNP at kasapi ng Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) na paksiyon ni Honasan bilang pakikisimpatiya sa senador dahil sa napipintong pag-aresto laban dito ng mga awtoridad kaugnay na rin ng hinala ng pamahalaan na ito ang mastermind ng mga mutineers.

Nabatid na may 250 composite element na kasapi ng (PGBI) ang patungo sa Metro Manila lulan ng anim na pampasaherong bus galing Southern Luzon.

Dahil dito ay itinalaga kaagad ang isang battalion mula sa PNP-Special Action Force upang habulin at harangin ang mga sinasabing supporters ni Honasan, habang dalawang PNP-SAF battalion naman ang itinalaga bilang standby force sa Bicutan.

Samantala, 16 bus naman na kinalululanan ng Guardians mula sa Northern Luzon ang papasok rin umano sa Metro Manila.

Daang sundalo naman ang nawawala kabilang ang 500 umanong miyembro ng Phil. Marines at ang 100 nagsipag-AWOL (absence without official leave) na junior officers na kasamahan ng Magdalo na sangkot sa pagsakop sa Oakwood Hotel sa Makati.

Kapwa nagdeklara na kahapon ng "full alert" ang AFP at PNP, pero sa kabila nito sinabi ni Police Community Relations Chief P/Director Ricardo de Leon na wala umanong dapat ikabahala ang publiko dahil maliit lamang ang bilang ng mga ito.

Inihayag rin ni de Leon na handa na silang arestuhin si Honasan at hinihintay na lamang ang warrant na ipalalabas ng korte laban sa senador.

Gayunman, taliwas sa pahayag ng kasapi ng Guardians at PNP ay itinanggi naman ni AFP Vice Chief of Staff at spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia ang nasabing troop movement.

Ayon kay Garcia, may mga nagpapakalat lang umano ng maling balita sa mga text messaging hinggil sa sinasabing pagkilos ng Guardians upang lumikha ng matinding takot sa panig ng publiko.

Negatibo rin umano ang kanilang monitoring sa sinasabing pagkawala ng may 500 Marines mula sa Jolo, Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DIRECTOR RICARDO

HONASAN

JOY CANTOS

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

OAKWOOD HOTEL

PHILIPPINE GUARDIANS BROTHERHOOD INC

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with