"Ang College of Public Administration and Governance ay hawak ng mga dating tauhan ni ex-President Estrada. Si Dr. Raul de Guzman, bayaw ni Estrada at dating Presidential Adviser ni Erap, ay ang dean ng naturang college at kasama niya si Prof. Mila Reforma at Comelec Commissioner Luzviminda Tangcangco na pawang mga bata ni Estrada," pahayag ng source.
Dagdag pa ng source, ang thesis adviser ni Trillanes nang kanyang gawin ang term paper tungkol sa korupsyon sa military establishment noong nakaraang taon ay si Prof. Danilo Reyes, dating speech writer at trusted aide naman ni Estrada.
Malamang ipatawag ang mga UP-CPAG professors na ito sa mga gagawing hearings ng Kongreso, Senado at ng independent commission na susuriing mabuti ang ibat ibang dahilan at pwersang nagtulak sa mga junior officers na mag-aklas laban sa pamahalaan.
Samantala, kinondena ni Navy Lt. Senior Grade Joseph Michael Santos, spokesperson ng PMA Class '95, ang isinagawang paggamit ng dahas at armas ng grupo ni Trillanes.
Isang grupo ng junior officers ng PNP na pinamumunuan ni Chief Insp. Randy Peralta ang bumanat din kay Trillanes at nagdeklarang "this irresponsible act of the mutineers has caused irreparable damage to our economy and international image and reputation."