^

Bansa

Trillanes 'pakawala' ni Erap

-
Lumabas ang ugnayan ng rebeldeng lider na si Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV at ang mga bataan ni dating Pangulong Joseph Estrada nang ibunyag ng isang mapagkakatiwalaang source mula sa University of the Philippines ang mga naging adviser ni Trillanes ng siya’y estudyante sa UP College of Public Administration and Governance (UPCPAG).

"Ang College of Public Administration and Governance ay hawak ng mga dating tauhan ni ex-President Estrada. Si Dr. Raul de Guzman, bayaw ni Estrada at dating Presidential Adviser ni Erap, ay ang dean ng naturang college at kasama niya si Prof. Mila Reforma at Comelec Commissioner Luzviminda Tangcangco na pawang mga bata ni Estrada," pahayag ng source.

Dagdag pa ng source, ang thesis adviser ni Trillanes nang kanyang gawin ang term paper tungkol sa korupsyon sa military establishment noong nakaraang taon ay si Prof. Danilo Reyes, dating speech writer at trusted aide naman ni Estrada.

Malamang ipatawag ang mga UP-CPAG professors na ito sa mga gagawing hearings ng Kongreso, Senado at ng independent commission na susuriing mabuti ang iba’t ibang dahilan at pwersang nagtulak sa mga junior officers na mag-aklas laban sa pamahalaan.

Samantala, kinondena ni Navy Lt. Senior Grade Joseph Michael Santos, spokesperson ng PMA Class '95, ang isinagawang paggamit ng dahas at armas ng grupo ni Trillanes.

Isang grupo ng junior officers ng PNP na pinamumunuan ni Chief Insp. Randy Peralta ang bumanat din kay Trillanes at nagdeklarang "this irresponsible act of the mutineers has caused irreparable damage to our economy and international image and reputation."

ANG COLLEGE OF PUBLIC ADMINISTRATION AND GOVERNANCE

CHIEF INSP

COLLEGE OF PUBLIC ADMINISTRATION AND GOVERNANCE

COMELEC COMMISSIONER LUZVIMINDA TANGCANGCO

DANILO REYES

DR. RAUL

MILA REFORMA

NAVY LT

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with