P30-M ginastos sa bigong kudeta
July 31, 2003 | 12:00am
Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco na P30 milyon ang ginastos ng mga nagrebeldeng sundalo sa paglulunsad nila ng pag-aalsa.
Ayon kay Wycoco, ginastos ang naturang halaga sa hi-tech na mga gamit, baril, bala, bandera, gamot, at pinagdausan ng mga miting.
Kanilang inaalam kung sinu-sino ang nagbigay ng ganito kalaking pera sa mga rebelde, pero sinabi ni Wycoco na isa si dating undersecretary Ramon Cardenas sa mga posibleng financier ng nabigong mutiny. Kay Cardenas ang bahay na pinanggalingan ng mga mutineers patungo sa Oakwood. Nakita rin si Cardenas ng mga kapitbahay na nagtungo doon bago naganap ang pag-aaklas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest