Independent commission buo na
July 30, 2003 | 12:00am
Buo na ang komisyon na itinatag ni Pangulong Arroyo na magsisiyasat sa ugat ng nabigong kudeta ng grupo ng sundalo sa ilalim ng Magdalo group.
Kahapon ay hinirang ng Pangulo si retired Justice Florentino Feliciano bilang pinuno ng komisyon at makakatulong niya sina Associate Justice Minerva Gonzaga-Reyes at UP Profesor Carolina Fernandez.
Pangunahing misyon nito ay alamin ang katotohanan sa sanhi ng pag-aalburoto ng mga sundalo.
Iginiit naman ni Sen. Edgardo Angara sa Pangulo na upang maging "independent" ang bubuuing komisyon ay dapat ipaubaya sa Kongreso ang pagpili sa magiging miyembro nito. Wika ni Angara, hindi dapat si Arroyo ang pumili nito dahil baka pagdudahan na magkakaroon lamang ng "takipan" sa isasagawang imbestigasyon. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest