^

Bansa

Rebelyon vs Cardenas isinampa

-
Pormal nang sinampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) kahapon sa Makati Regional Trial Court ang dating executive undersecretary ni dating Pangulong Estrada na si Ramon Cardenas kaugnay sa naging partisipasyon nito sa naudlot na kudeta noong Linggo ng madaling araw.

Sa 5-pahinang resolution na ipinalabas ng DOJ, sinabi nito na mayroong mabigat na ebidensiya na ipinasa ang National Bureau of Investigation (NBI) upang madiin si Cardenas sa kaso.

Lumabas sa resulta ng imbestigasyon ng prosecution na pinahintulutan umano ni Cardenas ang mga junior officers ng AFP na gamiting staging point at safehouse ang kanyang bahay sa Dasmariñas Village, Makati.

Sa isinagawang pagsalakay ng NBI at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay ni Cardenas ay nakumpiska ang isang M-14 assault rifle, tatlong M-16 assault rifles, mga bala at iba’t ibang kalibre ng baril, Magdalo flag at armbands at mga equipment at medical supplies.

Dahil dito, itinuturing si Cardenas na maintainer at promoter ng rebelyon dahilan para isulong ang kasong rebellion at sedition.

Wala rin inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Cardenas na ngayon ay nasa custody ng CIDG. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Grace dela Cruz)

CARDENAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRUZ

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

LORDETH BONILLA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ESTRADA

RAMON CARDENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with