^

Bansa

Erap isinangkot sa tangkang kudeta

-
Isa sa mga isinasangkot sa umano’y nasa likod ng isinagawang pag-aaklas ng may 200 junior officers ng Armed Forces of the Philippines ay si dating Pangulong Joseph Estrada.

Kasunod ito sa ginawang pag-raid sa isang condominium unit kahapon ng hapon sa J.P. Vargas St., Mandaluyong City na hinihinalang pag-aari umano ng dating aktres na si Laarni Enriquez na sinasabing may kaugnayan kay Estrada at nakakuha ang awtoridad ng maraming armas at eksplosibo kasabay ng ginagawang pagtatanim ng bomba at pagkubkob ng mga rebeldeng junior officers sa mga malalaking hotel sa Ayala, Makati City.

Gayunman, sinabi ni Estrada na wala siyang kinalaman sa rebelyon ng grupong Magdalo ng AFP sa pamumuno ni Philippine Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes, ng Philippine Military Academy Class 1995.

Dahil dito, agad na ilipat sa kustodya ng AFP-Intelligence Service of the Armed Forces of the Phils. ang dating Pangulo mula sa kinapipiitan nito Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Subalit nagdesisyon ang gobyerno na ibalik sa VMMC si Estrada matapos na magbanta ang mga abogado ni estrada na magsasampa sila ng contempt charges laban sa mga custodian ni estrada dahil inalis ito sa VMMC kahit walang court order. (Ulat nina Doris Franche/Malou Rongalerios)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILS

LAARNI ENRIQUEZ

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS

MANDALUYONG CITY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY CLASS

PHILIPPINE NAVY LT

SR. GRADE ANTONIO TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with