^

Bansa

Garcia pinasisipa sa GSIS

-
Dapat nang patalsikin sa puwesto si Government Service Insurance System (GSIS) President Winston Garcia dahil hindi umano nito nahawakan ng maayos ang bilyun-bilyong pondo ng mga empleyado ng gobyerno.

Sinabi kahapon ni Isabela Rep. Rodolfo Albano na hindi na katanggap-tanggap ang alibi ni Garcia na kaya hindi maaksiyunan ang mga loan applications ay dahil sa isinasagawa nilang computerization na nagsimula pa noong Mayo.

Kabilang sa nais umutang ngayon sa GSIS ang mga empleyado ng gobyerno sa Isabela na nasalanta ng bagyong "Harurot."

Malaki ang hinala ni Albano na walang pondo ang GSIS para ipautang sa mga miyembro nito dahil inaksaya lamang ni Garcia ang pera sa mga pantings.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Arroyo si Garcia na linawin sa publiko kung ano ang problema nito kung bakit naaantala ang pagpapalabas ng pautang at benepisyo sa pagreretiro ng mga miyembro nito sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon sa Pangulo, kailangang klaruhin ng GSIS ang posisyon nito lalo’t mayroon nang reklamong tinatanggap mula sa mga miyembro nito na hindi mabigyan ng serbisyo. (Ulat nina Malou Escudero/Lilia Tolentino)

vuukle comment

GARCIA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

ISABELA REP

LILIA TOLENTINO

MALOU ESCUDERO

NITO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT WINSTON GARCIA

RODOLFO ALBANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with