^

Bansa

Walang whitewash sa quadruplets - GMA

-
Ipinangako ni Pangulong Arroyo sa harap ng mag-asawang Vladimir at Jocelyn Calisaan, magulang ng quadruplets, na walang magaganap na whitewash sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Health (DOH) kaugnay sa kapabayaan ng Manila Central University (MCU) na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sanggol.

Aksiyon ito ng Pangulo sa ginawa nitong pagbisita kahapon sa pamilya Calisaan sa 2nd Avenue, Ana Bustamante st., Caloocan City bilang suporta sa pagkawala ng quadruplets at malaman na rin ang katotohanan kung bakit nasawi ang mga ito.

Ganap na alas-4 ng hapon ng dumating ang Pangulo sa tahanan ng mga Calisaan kasama si DOH Secretary Manuel Dayrit kung saan nangako rin ang Presidente na magbibigay ng halagang P10,000 mula sa pondo ng PCSO bilang suporta sa pamilya sa binayaran ng mga itong hospital bills.

Dito ay sinabi ni Jocelyn sa Pangulo ang naging kapabayaan ng MCU sa pangangalaga sa mga bata kaya nangako ang huli na gagawin ang lahat para maparusahan ang sinasabing nagpabayang mga doktor.

Nabatid naman kay Dayrit na iimbitahan ng binuong komite ang lahat ng sangkot sa naturang problema upang malinawan ang kinukuwestiyon hinggil sa pagkamatay ng mga bata.

"Hindi naman kami humihingi ng pera o anuman basta ang gusto lang namin ay maturuan ng leksyon ang MCU dahil hindi lamang sa amin puwedeng mangyari ang tulad nito," sabi ni Vladimir. (Ulat ni Ricky Tulipat)

ANA BUSTAMANTE

CALISAAN

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

JOCELYN CALISAAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RICKY TULIPAT

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with