Pekeng titulo ng lupa kumakalat
July 13, 2003 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary Michael Defensor kaugnay sa mga sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng titulo ng lupa.
Ang babala ay matapos isiwalat na may mga sindikatong nagbebenta ng lumang titulo ng lupa na inisyu pa ni King George II ng England noong 1762 na pawang nasa Metro Manila at Luzon.
Ang naturang pekeng titulo ay batay sa ipinapalabas na representante nito sa Pilipinas may 241 taon na ang nakalilipas.
Ang Maynila ay sumasailalim sa pamamahala ng Britanya noong 1762 hanggang 1764 ng magawang paatrasin ng kanilang 11 barko at 1,670 sundalo ang mga Spaniards sa Central Luzon.
Ang naturang titulo ay ipinamahagi ni British governor general in Manila Dawsonne Drake sa mga Pilipinong loyal sa pag-okupa, pagbebenta o pagpapa-upa ng naturang mga lupain.
Dalawang Pilipino, sina Don Esteban Tallano at Don Gregorio Madrigal Acop na kaapu-apuhan umano ng mga Pinoy na binigyan ng land grant ng Britanya ang siyang nagsasabing may-ari ng Luzon.
Dinaya umano ni Tallano ang TCT no. T-498 na sumasakop sa may 312,242 ektarya ng lupa sa Quezon, Metro Manila, Rizal at Bulacan habang sinasakop naman ng TCT no. T-408 ni Acop ang 125,326 ektarya ng lupa sa kapareho ring lugar ng probinsiya.
Ang naturang inilabas na TCT ay peke umano ayon naman sa Land Registration Authority. Pinagtawanan din ng naturang ahensiya ang pahayag ng dalawa na ang titulo ay ipinarehistro noong Enero 7, 1764 sa ilalim ng cadastral survey no. 475.
Sinabi ni Defensor na hindi naman nakapagpatayo ng specialized lands office ang Britanya dito sa Pilipinas at ikalawa ang Cadastral Act ay naging epektibo 151 taon pagkatapos ng British Occupation noong 1913. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest