Erap aasa na lang ang hustisya sa langit

Idudulog na lamang sa langit ng abogado ni dating Pangulong Estrada ang hustisyang hindi maibigay ng korte sa lupa.

Ayon kay Atty. Allan Paguia, ipagdarasal na lang nila sa "heavenly court" ang kahihinatnan ng mga kaso ng dating pangulo pati na rin ang kahilingan na pawalang-bisa ng Sandiganbayan Special Division ang pagiging presidente ni Gloria Arroyo.

Sinabi pa ni Paguia na tatanggapin na lang nila kung hindi pagbigyan ng Sandiganbayan ang kanilang mosyon dahil "mayroong mas mataas na hukuman kaysa sa hukumang ito at ito ay ang hukuman ng Diyos."

Pero para kay Erap, kung wala talaga siyang makikitang katarungan sa korte ay sa taumbayan na lang siya papasaklolo.

Idinagdag pa nito na babawi na lamang siya sakaling maluklok ang kanyang manok sa 2004. (Ulat ni Malou Escudero)

Show comments