^

Bansa

Auditors ng CoA aarmasan

-
Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ng mga auditors ng Commission on Audit (CoA), hiniling ng mga ito na magdala na rin sila ng sandata.

Iginiit ni Rodolfo Uy, ng General Sevices na siyang tagapamahala ng seguridad ng mga kawani ng CoA, kay CoA Chairman Guillermo Carague na dapat tulungan ang mga auditors na matutong humawak ng baril bilang depensa sa magtatangka sa kanilang buhay bunga na rin sa kritikal na trabaho ng mga ito matapos na makatuklas ng mga anomalya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Isa sa mga auditor ng CoA na pinaniniwalaang pinatay dahil sa isinagawa nitong auditing sa anomalya sa Tobacco excise tax ay si Augustin Chan, ng Ilocos Sur.

Niliwanag ni Uy na ang kanyang mungkahi ay bahagyang kasagutan sa tanong ng publiko at media sa proteksyong ibinibigay ng CoA sa kanilang mga auditors. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

AUGUSTIN CHAN

CHAIRMAN GUILLERMO CARAGUE

DAHIL

GENERAL SEVICES

IGINIIT

ILOCOS SUR

ISA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NILIWANAG

RODOLFO UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with