Barbers nagpapalamig sa US
July 6, 2003 | 12:00am
Tumulak patungong Estados Unidos si Senador Robert Barbers, ilang araw matapos na mabulilyaso ang kanyang pangarap na maging anti-drug czar ng pamahalaang Arroyo.
Napag-alaman na umalis ng Pilipinas si Sen. Barbers noong Biyernes at mananatili ito sa US ng 10 araw.
"May imbitasyon sa akin si Bush. Baka kunin akong drug czar," biro ng senador ng kapanayamin ng pahayagang ito.
Gayunman, bagaman walang sinabi ang senador kung may sama ito ng loob kay Pangulong Arroyo, ito ang hinala ng ilan.
Matatandaan na matapos hirangin ng Pangulo si Barbers bilang anti-drug czar, agad na kinuha ng senador ang kanyang tatlong alas na sina dating Manila Mayor Alfredo Lim, Reynaldo Jaylo at retired Maj. Lucio Margallo.
Pero kinuwestiyon ng opposition solons ang pagkakahirang kay Barbers.
At dahil sa mga kontrobersiyang sumulpot laban sa senador at sa pakiusap ng majority solons na huwag itong umalis sa Senado upang hindi sila mabawasan ng puwersa, binawi ng Pangulo ang nominasyon dito at ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hurisdiksiyon sa kampanya laban sa illegal drugs. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest