^

Bansa

Dagdag na suweldo ng mga bumbero,jailguards napurnada

-
Naudlot ang inaasahang dagdag na sahod ng mga bumbero at jail guards na dapat sana ay maglalagay sa kanila ng parehong suweldo ng mga pulis alinsunod sa tinatadhana ng Republic Act 8551 ng Philippine National Police.

Ang Senado ay bumabalangkas ng isang panukalang batas hinggil sa pagpapatupad ng dagdag na suweldo ng mga bumbero at jailers, subalit naudlot ang pagpasa nito dahil sa nais idagdag ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa panukala na lumikha ng 23 na mga heneral sa BFP.

Base sa posisyong isinumite ng BFP sa Kongreso, kailangan daw ang paglikha ng 23 mga heneral upang magkaroon ang mga ito ng kumpiyansa sa sarili at maging responsable sa mga kawani.

Sa naturang posisyon ay idinagdag ng BFP na ang mga nakapuwestong mga sibilyang kawani na hepe sa iba’t ibang dibisyon nito ay papalitan ng 23 mga gagawing heneral na tahasang paglabag sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 95-3496 at Court of Appeals decision noong 1995, na nagbibigay karapatan sa mga sibilyan na maging division chiefs.

Ayon sa mga sibilyang kawani ng BFP, ang hiling ng pamunuan ng BFP na paglikha ng 23 heneral ay pangako umano nito sa mga senior fire officers sa national at regional offices ng ahensya upang patuloy na mapagtakpan nito ang napakaraming anomalya laban dito at sa BFP Bids and Awards Committee ni Sr. Supt. Jose Collado na iniimbestigahan ngayon ng Office of the Ombudsman.

vuukle comment

ANG SENADO

BFP

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

JOSE COLLADO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with