11 police drug protectors iimbestigahan
July 5, 2003 | 12:00am
May 11 pulis kabilang ang dalawang opisyal na nasa hit list ng Revolutionary Proletariat Army- Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) death squad kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon laban sa mga big time drug syndicates ang isasailalim sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG).
Ayon kay PNP Deputy Director for Administration at bagong Anti-Drug Task Force Dep. Director General Edgardo Aglipay, ang 11 pulis ay kinabibilangan ng dalawang Police Supt. na nakatalaga sa Nueva Ecija, apat pang may ranggong Police Officer 3, dalawang PO2 at tatlong PO1.
Aniya, iniutos na ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane kay PNP-IG Director Chief Supt. Jesus Versoza ang pagpapasailalim sa imbestigasyon sa mga nabanggit kaugnay sa akusasyon ng RPA-ABB.
Naisumite na ang mga pangalan ng mga sangkot na pulis kay Versoza na nagbibigay umano ng proteksyon sa mga sindikato ng droga kapalit ng malaking halaga.
Kapag napatunayan na sangkot ang mga ito, agad na isasailalim sila sa "summary dismissal proceedings". (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended