Ayon kay Davao Cong. Prospero Nograles, isa sa mga opsyon na maaaring pagpilian ni Arroyo ay ang pagkuha kay Cojuangco bilang Vice President nito.
Ipinagmayabang pa ni Nograles na malakas ang magiging team-up nina Arroyo at Cojuangco dahil makukuha din nila ang suporta ng oposisyon.
Sinabi naman ni Cavite Cong. Gilbert Remulla na matagal nang niloloko ni Arroyo ang taumbayan dahil sa patuloy nitong sinasabing hindi siya tatakbong presidente sa 2004.
Hindi aniya aaminin ng chief-of-staff ng Malacañang na si Rigoberto Tiglao ang posibilidad na pagtakbo ng Pangulo kung wala itong go-signal sa presidente.
Samantala, inamin ng Palasyo na nagkaroon nga ng pagkakataong mag-usap ang Pangulo at Cojuangco pero walang katotohanan na nagkaroon sila ng sekretong kasunduan sa kontrobersyal na coco levy fund.
Ayon kay Bunye, tinalakay ng dalawa ang pagpapalakas ng alyansang sumusuporta sa administrasyon sa House of Representatives.
Ang Nationalist Peoples Coalition (NPC) na pinamumunuan ni Cojuangco ay mayroong alyansa sa mayoryang People Power Coalition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)