Ipinagtataka ni Rosales kung bakit aabot sa P1 bilyon ang pondo para sa VVS samantalang ang layunin lamang nito ay malinis ang bloated na Computerized Voters List (CVLs).
Bagamat kailangan aniyang malinis ang listahan ng mga botante, hindi naman ito dapat paglaanan nang nakapalaking halaga.
Wala aniyang statistical proof ang Comelec na magpapatunay na doble-doble ang listahan ng mga botante.
Iginiit naman ng Comelec, layunin ng VVS na tugunan ang problema ng double at multiple registration na nagagamit ng mga pulitiko tuwing may eleksyon. (Ulat ni Malou R. Escudero)