Erap walang lugar sa Crame
June 19, 2003 | 12:00am
Masyadong masikip para pagkulungan ni dating Pangulong Estrada ang Camp Crame sa oras na ilipat ito dito mula sa Veterans Memorial Medical Center.
Sinabi ni Police Security and Protection Office chief, P/Chief Supt. Prospero Noble na walang sapat na pasilidad sa loob ng Crame at ang mga kulungan sa loob nito ay nararapat lamang sa mga kriminal na may mabibigat na kaso at hindi para sa dating Pangulo ng bansa.
Kung siya ang tatanungin, sinabi ni Noble na mas nararapat umanong ikulong si Estrada sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan nakakulong ngayon ang nagrebelyong si dating ARMM Governor Nur Misuari.
Hindi umano akma para sa dating punong ehekutibo na ikulong sa detention cell alinman sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), Intelligence Group (IG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mga pinagpipilian ng PNP sakaling ipag-utos na ng Sandiganbayan na ilipat ng kulungan si Estrada.
Samantala, nakahinga ng maluwag ang PNP sa bigat ng pasanin sa malaking halaga ng gastusin sa bill ni dating Pangulong Estrada makarang ihayag kahapon ni PNP spokesman P/Sr. Supt. Leonardo Bataoil na aakuin na ng Department of Budget and Management ang pagbabayad sa Veterans kung saan pansamantalang nakakulong si Estrada. Kabilang sa mga binabayaran noon ng PNP ang pagkain ng 60 security personnel na nagbabantay kay Estrada, kuryente at iba pa. Matatandaan na may P20 milyon pa ang hindi nababayaran ng PNP sa Veterans sa electric bill pa lamang ni Erap. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest