^

Bansa

Transport groups kumampi kay Lastimoso

-
Lumagda sa isang manifesto ang malalaking transport groups sa bansa upang suportahan ang pangasiwaan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso.

Nakasaad sa manifesto na nilagdaan ng PCDO-ACTO, PISTON, FEJODAP, NACTODAP at FERCODA na sila ay patuloy na naniniwala sa kakayahan ni Lastimoso dahil sa mga repormang ipinatutupd nito sa ahensiya tulad ng pag-implementa ng information technology system sa ahensiya upang mapadali ang serbisyo ng mga tanggapan ng LTO sa taumbayan sa ilalim ng computerization program ng DOTC-LTO.

Sa pamamagitan din ng IT, nawawalis ang corruption sa ahensiya, naglalaho ang mga fixer at tumataas ang revenue collection ng LTO. Umabot sa P6 bilyon ang revenue collection ng LTO noong 2002.

Personal na nagtungo sa tanggapan ni Lastimoso ang naturang mga representatives at opisyales ng naturang mga samahan at dito ay pormal na ipinaabot ang kanilang pagsimpatiya sa pamunuan ng LTO dala-dala ang naturang manifesto.

"Walang masamang ginawa si Assec Lastimoso para sa aming samahan kaya suportado kami sa kanya. Layunin talaga ni Assec sa ahensiya ay mapabuti ang sistemang ipinatutupad sa mga tanggapan ng LTO para maisaayos at mapabilis ang serbisyo publiko.. yung usapin sa Early Warning Device, ang kaligtasan at buhay ng mga tao ang pinangalagaan ng LTO... at ito ang dapat malaman ng lahat," nagkakaisang pahayag nina PISTON head Medardo Roda at Efren de Luna, pangulo ng PCDO-ACTO.

Hiniling din ni Roda na ipagpatuloy ang kampanya laban sa mga colorum at out-of-line vehicles dahil ito ang isa sa mga bagay na pumipilay sa legal na operasyon ng samahan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ASSEC

ASSEC LASTIMOSO

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

EARLY WARNING DEVICE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LASTIMOSO

LTO

MEDARDO RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with