Sa isang pahinang resolusyon na ipinalabas ng SC, nabatid na napagkasunduan sa en banc nito na itaas ang nasabing bayad sa bar ng P500.
Mula sa dating P1,750 ay tataas ito ng P2,250.
Ang pagtataas ng bar fee ay alinsunod sa sulat na ipinadala ng bar confidant na humihiling na maitaas ang bayad sa bar exam.
Inaasahan na dadagsa ngayong taon ang mga bar examinees dahil sa sobrang baba ng porsyento ng mga pumasa sa 2002 bar examiners na umabot lamang sa 19 porsyento mula sa kabuuang bilang.
Si Associate Justice Reynato Puno ang magiging bar chairman sa taong ito. Malaki naman ang pangamba ng ilang bar examiners dahil kilala si Puno na mahigpit pagdating sa taxation law. (Ulat ni Grace Amargo)