Bukod sa kasong maliscious mischief, nasangkot din si Bishop Yalung sa isang iskandalo matapos na maanakan umano nito ang isang parishioner.
Bukod kay Novaliches Bishop Teodoro Bacani na kasalukuyang nasasangkot sa sex scandal, isa rin sa sinasabing kandidato na maaaring pumalit sa puwesto ni Sin na magreretiro sa Agosto 31 ay si Yalung.
Dahil dito, hiniling ni Quin Baterna, pangulo ng Limitless Potentials Inc. kay Cardinal Sin na makialam na sa kaso na isinampa ng nasabing kompanya laban kay Yalung na umaabot na sa anim na taon sa korte bunga ng umanoy dilatory tactics ng abogado ng pari na nagsisilbing kinatawan ng simbahang Katoliko.
Sinampahan ng Limitless Potential, isang advertising company si Yalung sa Makati Municipal Trial Court dahil sa umanoy "malicious destruction" ng mga billboards ng nasabing kompanya sa San Carlos Seminary sa EDSA, Guadalupe noong l996.
Samantala, nagsagawa ng prayer rally kamakalawa ng gabi ang religious group na El Shaddai sa pangunguna ng kanilang leader na si Mike Velarde sa Parañaque City bilang suporta kay Bishop Bacani na nahaharap sa kasongsexual harassment.
Sinabi ni Velarde na sa kasalukuyan, hindi pa niya nakakausap si Bacani at ng nagreklamong sekretarya nito subalit naniniwala sila na walang kasalanan si Bishop Bacani na siya ring tagapagsalita ng El Shaddai.
May 100 pari mula sa ibat ibang pastoral group at diocese ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Bacani. (Ulat ni Ellen Fernando)