^

Bansa

Kidnap victim tinodas

-
Pinatay ng mga kidnapper ang anak ng isang negosyante kahit na ang pamilya nito ay sinasabing nagbayad ng ransom sa mga dumukot dito noong nakaraang buwan sa Caloocan, samantala naaresto ang limang kidnappers nito kabilang ang isang dating pulis.

Kinilala ang biktima na si Edwin Navarro, 26, residente ng Taytay st., Maypajo, Caloocan.

Samantala ang mga suspek ay nakilalang sina Mariano Garegis ng Cabiao, Nueva Ecija, isang AWOL na pulis at dating miyembro ng PNP Special Action Force noong 1993; Amando Dionaldo alyas Andoy, 38, ng Taguig; Renato Dionaldo alyas Natoy, 36; Virgilio Varona alyas Junior, 34 at Rudy Larido na pawang taga-Tacloban. Nakumpiska sa kanila ang kalibre .45 baril, mga bala at kotseng Lancer na may plakang DEH 498 na ginamit sa pagtangay sa biktima.

Nabatid na ang biktima ay dinukot noong umaga ng Mayo 13, 2003 sa isang gym na pag-aari nito sa A. Mabini st., ilang metro lamang ang layo sa Caloocan city hall at police headquarters.

Dinala umano ang biktima sa Laurel, Batangas at dito itinago ng ilang araw at makalipas ang isang linggo, nakipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya nito at humingi ng P40 milyon kapalit ng kalayaan ni Navarro.

Nagkasundo umano ang mga ito na magkikita sa isang hindi binanggit na lugar para doon iabot ang pera, subalit matapos maibigay umano ng pamilya ng biktima ang hinihinging ransom ay hindi pa rin pinakawalan si Navarro.

Lingid sa pamilya ni Navarro, napatay na ang biktima noong araw na ito ay dukutin ng mapuruhan ito matapos hatawin sa ulo ng isa sa mga suspek.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang pamilya Navarro sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) kaya naaresto ang limang suspek sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Batangas.

Mabilis ding nagtungo sa Laurel, Batangas ang mga awtoridad at pamilya ng biktima matapos na ituro ng mga suspek ang lugar kung saan nila inilibing ang bangkay ni Navarro. Positibo naman itong kinilala ng kanyang kapatid.

Nabatid na ang bangkay ay noon pang Mayo 19 natagpuan ng mga tauhan ng Laurel PNP subalit dahil walang kumukuha ay ipinalibing na lamang nila.

Tumanggi naman ang kapatid ng biktima na kumpirmahin kung nagbayad nga sila ng ransom sa mga suspek.

Kasong kidnapping with murder sa Caloocan City Prosecutors Office ang inihahandang isampa sa mga suspek. (Ulat nina Angie Dela Cruz at Gemma Amargo)

AMANDO DIONALDO

ANGIE DELA CRUZ

BATANGAS

BIKTIMA

CALOOCAN

CALOOCAN CITY PROSECUTORS OFFICE

EDWIN NAVARRO

GEMMA AMARGO

NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with