Lakas maghihintay sa pagtango ni GMA hanggang Oktubre
June 8, 2003 | 12:00am
Inaasahan ng partido Lakas na magbabago pa ang desisyon ni Pangulong Arroyo na huwag tumakbo sa halalan sa 2004.
Ayon kay Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Heherson Alvarez, inaasahan nilang makapagpapasiya ang Pangulo sa pagbabago ng desisyon sa Oktubre, dalawang buwan bago matapos ang palugit ng Comelec sa paghaharap ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa presidential elections.
Si Alvarez ang bise presidente ng Lakas para sa Luzon at tagapagsalita ng partido.
Sa isang ambush interview kahapon sa Malacañang matapos ganapin ang seremonya sa pagkakaloob ng Bagong Bayani Awards sa mga huwarang OFWs, sinabi ni Alvarez na sa kasalukuyan wala nang iba pang malakas na kandidatong presidente na binibigyang kunsiderasyon ang partido kundi si Pangulong Arroyo.
Sinabi pa ni Alvarez na bagaman lagi nang sinasabi ng Pangulo na hindi siya tatakbo, maaari pa rin itong mabago dahil ang pasya niya ay hindi lang para sa sarili niya bilang isang pulitiko kundi ang pagbabago ng desisyon ay alang-alang sa kapakanan ng lipunan at sa buong rehiyon ng Southeast Asia.
Tiwala si Alvarez na dahil ang Pangulo ang may higit na kakayahan at preparasyon sa pagiging lider ng bansa, siya ang papaboran ng taong bayan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended